Add parallel Print Page Options

At sinabi ni Pablo, Hindi ko nalalaman, mga kapatid na lalake, na siya'y dakilang saserdote: sapagka't nasusulat, Huwag kang magsasalita ng masama (A)sa isang pinuno ng iyong bayan.

Datapuwa't nang matalastas ni Pablo na ang isang bahagi ay mga (B)Saduceo at ang iba'y mga Fariseo, ay sumigaw siya sa Sanedrin, Mga kapatid na lalake, (C)ako'y Fariseo, anak ng mga Fariseo: ako'y sinisiyasat (D)tungkol sa pagasa at pagkabuhay na maguli ng mga patay.

At nang masabi na niya ang gayon, nangyari ang isang pagtatalo sa mga Fariseo at sa mga Saduceo; at nagkabahabahagi ang kapulungan.

Read full chapter